Tuesday, November 22, 2011

Para Kay Inay





Ang Ina kung sa paglingap

Sa anak walang katulad

O kay saya langit ang tulad

Kung may inang nagmamahal



O kay lupit nitong kapalaran

Kung walang inang tanglaw sa buhay

Ang sino man kung mayroon pang ina

Matatawag na rin, mapalad na.



Nang ako’y munti pang bata

Ay ikaw ang siyang nagpala

Sa lahat ng dusa’t hirap

Ay ikaw ang tanging lunas



‘Di ko na kayang bilangin

Ang iyong pagod sa akin

Kailanman ay di ka nag-iba

Sa’yong pag mamahal aking ina.

Kanta para sa ating mga tanging ina. Everytime I feel down or lonely, I always go home to my parents. At least andun si Mama, kahit na hindi niya ako tanungin or hindi niya alam about my condition, basta nakikita ko siya, I feel better – a lot better. Like today, for the first time after  my diagnosis, may sipon at ubo ako – panic mode.  Pero pagdating ko sa bahay, parang nawala. Hay, ang galing ng magic ni Nanay.

During one of our vacations,  medyo masama din pakiramdam ko. As soon as the plane took off, I rested my head on my mom’s shoulder and tried to sleep. Nakita yata kami ng FA, lumapit nakichika. Siguro naintriga, ano naman ang drama ng “bondying” na ‘to. I was half asleep, I heard my mom told the FA, bunso kasi, masama pakiramdam. Ganyan talaga yan maglambing. And she kept on running her hands on my head. Ay, Nanay – salamat sa lahat. Sabi nga sa Zsazsa Zaturnah, “Ikaw ang Super Hero ng buhay ko, ang Crystala at Mulawin ko…”

Nay, needless to say…Salamat sa lahat. You are the angel behind this fallen angel.

3 comments: