Sa
buhay natin
Dumarating
ang panahon ng
Kalungkutan
at pangungulila
Ng
biniro ako ng tadhana
Sinubok
ang aking tatag at paniniwala
Kaibigan
ang ibinigay na himala
Pait
at hapdi, napalitan ng ngiti
Buhay
kong malaon na’y
Muling
binigyan ng kulay
Masaya,
magulo, nakalilito
Puso’y
kumakaba tuwing magkikita
Ganito
pala ‘pag umiibig na
Sa mga
pagsubok, bumigay ang marupok
Puso’y
sinugatan, iniwang luhaan
Diyos
ko, ako’y huwag pabayaan
Sa
aking kapighatian,
Kaibigan
ang naging kanlungan
Pilit
hinilom aking pusong sugatan.
Siya’y
iyo ng iwan, huwag nang ipaglaban.
Kumapit
ng mahigpit, huwag bibitiwan
Nalilito
na ang aking isipan
Sa
bandang huli, pag-ibig ang nanaig
Usapang
taimtim nauwi sa pagniniig
Aking
bulaklak wagas ang dilig
Isa,
dalawa, tatlo
Dumaang
panahon hindi ko na mabilang
‘Pagkat
pag-ibig na wagas ay walang hanggan
Dalangin ko ngayon
Poon
kami’y gabayan, buhay ay ingatan
Kami’y
huwag pabayaan
Irog,
tanggapin ang alay ko
Pag-ibig
at buong buhay alay sa’yo
Hanggang
ako’y tawagin na ni San Pedro
At
kapag ang oras ay dumating
Iyong
alalahanin, ako’y maghahanda na
Ng
napakagandang dambana
Pahirin
ang luha, palitan ng tuwa
Ika’y
sasalubungin, kokoronahan ng bituin
Tayo’y mga anghel na sa langit na hangarin*** I wrote this poem last year for my best friend and her partner. They celebrated their 10th year of being together last year and exchanged their vows in Tagaytay, 6 of us witness on that special day...