Tuesday, May 22, 2012

Haberdey, Salamat Bro!




Yesterday marked my first year as a poz. And a few days from now will mark my 10th month on ARV’s. 

And this is what I wrote exactly a year ago:

May 22, 2011
Dead man walking…That’s what I felt when I found out yesterday (May 21, 2011) that I have it.
Unang pumasok sa isip ko, paano na sila Mama at Papa. Sino mag-aalaga sa kanila? Paano na ang mga pamangkin ko? Is it safe to hug and kiss them? Paano na ako?

I can’t recall when or how I got it…Ang iniisip ko ngayon, paano na ako? I  know that right now, there’s no cure to it…Natatakot ako…Nalilito kung ano ang dapat ko gawin…I need someone to share this with, hindi ko kaya…Baka bumigay ako…First person on top of my mind is my best friend…I know that she will listen, I know that there will be a lot of question, but I know she will understand…I am praying that she will not leave me…Kung mawawala siya at hindi ako maiintindihan hindi ko na alam gagawin ko. 

I will see her this week and tell her about it…Ayoko balewalain ito, this is something serious and this is something that I have to face, in one way or the other…Lutang ako, kahapon pa…Hindi ko alam kung paano ko haharapin everyday na ganito ang nararamdaman ko.

Sorry Lord, please forgive me for being careless and not taking caring of my body, the temple of my soul…Dinadasal ko po sa inyo na tulungan niyo ako sa pagsubok na ito…Kayo lamang ang paghuhugutan ko ng lakas para harapin ito…Lord, I lift up everything to you…I’m sorry.

After a year, ano ang nagbago? Ano na ako ngayon? Nasaan na ako?

I would like to think that I have become a better person. Better in the sense that I am still here and giving HIV a good fight.  Yes, I still think about my parents, but I worry more about providing for them and making life easier for them. My way of thanking them for raising me up. My nieces, I spend a lot of time with them and play with them often. We hug and kiss a lot.

Me and my bff’s still manage to spend time together despite our busy schedule. Oftentimes we would check in one of the hotels in Makati or Ortigas to catch up with our lives. And they even love me more. Happy is an understatement.

Just when I thought that being reactive will restrict me from travelling, MALI. I went out of town more than a couple of times for the last year and out of the country twice since I was diagnosed. And now, me and my family is working out for another vacation. Who knows, I might visit Uncle Sam next year (fingers crossed).
Since last year, I have met a lot of wonderful people. Poz, non-poz. Some of them have left and moved on with their lives and most of them stayed. And those who stayed became a new bff. In one way or another, I know that we have both touch each other’s lives.  Last year I also had my first ever pictorial for The Love Yourself Project. Feeling sikat lang. Haha!

Pero sa lahat ng ito…kasama ko si Bro. I don’t think that I will have enough strength and courage to face all of these without HIM by my side or perhaps behind me. Because each time I feel like giving up, HE would always tap my shoulder and remind me that this is not the end. Hinahagod ang likod mo at sasabihin, “This is not yet you’re destination my child. You still have a long way to go.” 

For another year, and to a lot more healthy years to come…Salamat Bro. Maraming Salamat.

Sunday, May 13, 2012

Nanay




Sa iyong sinapupunan ako’y iyong inalagaan. Sa loob ng siyam na buwan hindi mo ako pinabayaan. Sabi mo nga, hindi kita pinahirapan, hindi tulad ni ate. Ako dalawang araw na lang bago ipanganak, naglalakad lakad ka pa. Salamat.

Sa iyong malalakas na bisig ako’y iyong ipinaghele. Hindi ako iyakin. Kapag ako’y mahimbing na, ibababa mo na ako sa kama para makagawa ka ng ibang gawain sa bahay. Bagama’t ngayon may kahinaan na ang iyong braso, at minsa’y inaakay na kita. Dama ko pa din ang lakas na noo’y palaging bnumubuhat sa akin. Salamat.

Sa iyong mga bibig, una kong narinig ang A,E,I,O, U. Sa iyo ako natutong bumasa. Sa iyo ako natuto ng mga tamang kulay. Sa iyong mga bibig din narinig ko ang mga katagang, “Kaya mo yan” sa tuwing meron akong mga contest na sinasalihan, interview para sa eskwela at sa trabaho. “I’m proud of you”, sa mga munting bagay na na-achieve ko. “May masakit ba sa’yo?” , sa tuwing makikita mo akong matamlay at walang kibo. Maraming bagay ang narinig ko sa iyong bibig. Karamihan dito ay mga pangaral, na humubog sa aking pagkatao at nagdala sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko masabing nasa rurok na ako ng tagumpay, malayo pa ang aking lalakbayin at maraming mga pangaral pa ang kailangan kong marinig sa inyo. Sa lahat ng mga ito. Salamat.

Sa iyong mga mata, nalaman ko na may mga mali akong nagawa. Isang tingin mo lang, alam ko na kailangan ko na itigil ang kung ano mang ginagawa ko. Sa iyong mga mata din nakita ko ang kaligayahan sa tuwing may munting regalo akong iniaabot sa inyo. Ang inyong mata ang tumingin sa akin habang ako’y lumalaki. Bagaman lumalabo na sa pagdaan ng panahon, nais kong ako’y inyo pa din makita at masaksihan ang mga munting tagumpay ko sa buhay. Salamat.

Sa pagpapakilala sa akin sa Diyos at pagtuturo ng pagdarasal at pagtawag sa Kanya. Sa iyong pag-aalaga tuwing ako’y may sakit. Sa pakikinig sa mga kwento ko tuwing may maganda at hindi magandang nangyayari sa akin. Sa pagluluto ng paborito kong pagkain. At sa napakarami pang dahilan na hindi ko na mabilang. Salamat.

Alam ko sa mga oras at panahon na ito, ako ay nagtataksil sa’yo. Isang lihim ang hindi ko pa nasasabi sa’yo. Hindi ko masabi ang tunay na kalagayan ng aking kalusugan. Alam kong maiintindihan mo ko. Alam kong yayakapin mo ako ng mahigpit, alam kong hahawakan mo ang mga kamay ko at kung maari ay hindi mo na ito bitiwan. Pero ayokong may pumatak na luha sa mga mata mo. Ayokong  bigyan ka ng iisipin. Ayoko na mag-alala ka. Ang gusto ko lagi kang makitang masaya. Huwag kang mag-alala, sa tulong ni Ate, ng mga Doktor at ng aking mga kaibigan, ako’y nananatiling malakas. Wala kang dapat ipangamba.

Nanay, Happy Mother’s Day. Alam kong hindi sa lahat ng oras ay pinakinggan kita pero hindi mo ako pinabayaan. Hindi mo ako iniwan. At ngayon nga na nasa hustong gulang na ko, naandyan ka pa din.  Sapagkat alam mong kailangan ko ang gabay mo.

Sa iyong walang katapusang pang-unawa at sa walang hanggang pagmamahal….Maraming Salamat.

Happy Mother’s Day Ma, I love you.